Thumbs up at good vibes para sa mga netizen ang ibinahagi ng dating mister ng aktres na si Michelle Madrigal na si Troy Woolfolk, matapos nitong ibahagi sa social media ang mga litrato nila ng dating misis at anak, kasama na ang rumored boyfriend nito.

"Co-parenting at its finest," caption ni Troy sa kaniyang Instagram post nitong Agosto 29, 2022. Makikita sa Instagram na may mga kasama silang mga bata, na ang isa ay anak nina Troy at Michelle. Ang dalawa pang bata, ay ipinagpapalagay na anak naman ng rumored boyfriend ni Michelle sa dati nitong misis.

View this post on Instagram

A post shared by Troy Woolfolk “The Vegan Wolf” (@twoolf29)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang noong Lunes, Agosto 22, ibinalandra ng aktres ang mga litrato nila ng umano'y bago niyang nobyong "afam" o dayuhan, ilang buwan lamang matapos ang diborsyo nila ng mister na si Troy. Hindi naman binanggit kung ano ang pangalan ng naturang foreigner.

"Him," ang tanging caption nito. Batay sa lokasyon at kanilang pananamit ay nasa isang beach sila, sa Canyon Lake, Texas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/23/him-michelle-madrigal-flinex-ang-bagong-jowang-afam/">https://balita.net.ph/2022/08/23/him-michelle-madrigal-flinex-ang-bagong-jowang-afam/

Makikita sa tatlong litrato na tila malalim ang relasyon ni Michelle sa naturang afam.

Isa pa, nagbigay-compliment din sa kanila ang isang netizen na siya yatang kumuha ng litrato sa dalawa, at tinawag silang "cutest couple".

"Thank you for taking our photos. ☺️" pasasalamat ni Mitch.

Ayon kay Michelle, kagaya niya ay diborsyado rin ang lalaking kaniyang bagong nakakasama kaya nagkakaunawaan umano sila. Inamin niyang wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kaniya.

Napa-sana all na lang talaga ang mga netizen at deserve umano ni Michelle na maging maligaya ulit.