Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkikita-kita nina Toni Gonzaga-Soriano, Mariel Rodriguez-Padilla, at dating "Magandang Buhay" host na si Momshie Karla Estrada sa isang dinner.

Makikita ang kanilang litrato sa Instagram post ni Mariel nitong Agosto 30.

"Thaaaaaank you soo much for a wonderful evening @celestinegonzaga and @karlaestrada1121," caption ni Mariel.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikita rin ito sa IG story naman ni Toni na nilagyan niya ng caption na "Ladies night".

Sa comment section ng IG post, hula ng mga netizen ay sila ang magiging bagong hosts ng posibleng morning talk show sa bagong TV network na "Advanced Media Broadcasting System" o AMBS na pagmamay-ari ng business magnate at dating senador na si Manny Villar, na ama naman ng senador na si Mark Villar, na kaibigan ng mag-asawang Toni at Paul Soriano. Posible raw na sila ang tatapat sa morning talk show na "Magandang Buhay" nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Regine Velasquez-Alcasid.

Matatandaang napababalitang isa si Toni sa mga magiging pioneer star ng network na eere gamit ang frequency ng channel 2, na dating naka-assign sa ABS-CBN.

Narito ang ilan sa mga haka-haka ng mga netizen:

"Si Ms. Karla na ang circle of friend n'yo ngayon."

"Feeling ko sila maging host sa new show ng new channel 2."

"AMBS morning talk show."

"Talk show na aabangan 'yan…"

Samantala, tanong din ng mga netizen, bakit daw si Karla ang ka-meet up nina Toni at Mariel, at paano na raw si Bianca Gonzalez na co-host nila sa Pinoy Big Brother (PBB) pero "taliwas" sa kanilang sinuportahang kandidato noong halalan?

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang tatlo tungkol sa mga kumakalat na tsikang ito.