Simula ngayong Huwebes, Setyembre 1, magpapatupad ng bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis.
Sa pahayag ng Petron Corporation, nasa ₱1.75 ang itatapyas sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG.
Aabot naman sa ₱1.62 ang ibabawas ng Solane sa presyo ng kada litro ng LPG.
Katulad ng Petron, ₱1.75 rin ang itatapyas ng Phoenix Petroleum sa presyo ng kada litro ng kanilang LPG.
Nasa ₱0.98 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng Auto LPG ng Petron, gayundin sa Phoenix.
Idinahilan ng mga kumpanya ng langis ang paggalaw ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado.