Isa sa mga kabogera sa kamakailang Vogue Philippines gala ang aktres at Miss International 2016 na si Kylie Verzosa.

Head turner ang beauty queen at rising Viva sexy actress sa gala ng launch ng international magazine noong Lunes, Agosto 29.

Plane black skirt at bralette ng Pinoy designer na si Mark Bumgarner ang suot ng beauty queen na pinaresan ng agaw-eksenang puting coat na hanggang sahig nag haba.

Sa mga serye ng Instagram post ni Kylie, makikita ang ilang brand at glam team na nagtulong-tulong para sa ka-vogue na gala look ng aktres.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Ang jewelry store na “Lvna by Drake Dustin” ang partner ni Kylie suot ang ekstrang pares 18 karat white gold setting earrings na nagkakahalaga ng P1,285,000 ayon sa kanilang website.

Hindi pa kasama sa halaga ang kaniyang suot na kuwintas na hindi makikita sa kanilang website.

Pumapatak sa P20,000 hanggang halos isang milyon ang pagpipiliang halaga ng mga necklace sa website ng jewelry store.

Samantala, magbabalik ang on-screen power couple na sina Kylie at Marco Gumabao sa isang proyektong "Baby Boy and Baby Girl."

Basahin: Kylie Verzosa at Marco Gumabao, ‘perfect match,’ sey ng netizens; Jake Cuenca, nakaladkad – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid