Sunod-sunod ang pagbabahagi ng model-TV host na si Maggie Wilson sa mga litrato nila ng model-business partner niyang si Tim Connor, sa kaniyang Instagram.

Makikita sa mga litrato na tila magkasama silang kumakain sa di pinangalanang restaurant. Sinasabing habang kumakain ay tinuturuan ni Maggie si Tim kung paano gumamit ng Instagram.

Maggie Wilson at Tim Connor (Screengrab mula sa IG ni Maggie Wilson)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa isa pang IG story, sinabi ni Maggie na magkasama sila ni Tim para sa late lunch at business meeting. Makikitang tila nag-pacute pa si Tim at sinabihan ni Maggie na "Ang feeling ni Koys, feeling pogi!"

Maggie Wilson at Tim Connor (Screengrab mula sa IG ni Maggie Wilson)

Matatandaang isinangkot ng estranged husband ni Maggie na si Victor Consunji si Tim Connor sa adultery case nito laban sa dating asawa. Sinabi naman ni Tim na hindi siya magsasalita tungkol sa isyu at "hindi niya ibababa ang lebel" niya sa mga marites na nakikisawsaw sa isyu.

Ibinahagi ni Maggie ang ginawa umanong pagpapalayas sa kaniya ng dating mister sa kaniyang tinutuluyan, at aniya ay handa siyang makipaglaban at harapin ito sa korte.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/16/mga-abogado-ni-maggie-wilson-naglabas-ng-pahayag-tungkol-sa-nangyaring-insidente/">https://balita.net.ph/2022/07/16/mga-abogado-ni-maggie-wilson-naglabas-ng-pahayag-tungkol-sa-nangyaring-insidentea>