Matapos ang ilang taon, reunited sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza De Castro sa isang production number sa “All-Out Sundays” nitong Linggo.

Isang sexy prod ang handog ng 2016 “Encantadia” Sang’gre’s sa Sunday musical variety show ng Kapuso Network.

Ito’y ilang taon matapos ang top-rating na proyekto mula 2016 hanggang 2017.

Huling umere ang sikat na telefantasya noong 2017 kung saan nagdalang-tao si Kylie sa kaniyang panganay dahilan para sa biglang pagkalas nito sa serye.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa isang larawan naman na ibinahagi ng celebrity mom sa Instagram nitong Martes, nagpahayag ng pagka-miss ang maraming fans kasunod ng grand reunion ng Kapuso stars.

Ilan pang fans din ang humiling na ng ikalawang season ng patok na “Encantadia.”

Ang telefantasya ay kilala sa apat na karakter ng magkakapatid na nangangalaga sa apat na kaharian ng “Encantadia” kabilang na si Amihan, Danaya, Alena at Pirena.

Muli na kayang magbabalik-telebisyon ang sikat na Pinoy fiction series?

Wala pang anunsyo ang GMA Network ukol dito.