Instagram official ang peg ni Idol Philippines runner-up Lucas Garcia at Bidaman finalist Wize Estabillo nitong Miyerkules.

Kinakiligan ng followers ng Kapamilya singer ang pa-reveal ng kaniyang dyowa na nilakipan pa ng isang sweet na caption sa Instagram.

“‘Wize’ men say only fools rush in but I can't help falling in love with you. 🎶🙈❤️” mababasa sa caption ng intimate photo ni Lucas kasama at naka-tag pang si Wize.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ilang fans naman ang parehong nagulat, natuwa at kinilig sa pag-flex ni Lucas kay Wize.

Maging si OPM icon Zsa Zsa Padilla ay masaya para sa love life ng singer na nakakasama niya sa ASAP Natin ‘To.

Todo flex din si Lucas sa parehong larawan sa kaniyang Instagram story na nirepost ng ng Instagram page na Real Life Couple.

Lucas Garcia/IG story

Lucas Garcia/IG story

Si Wize ay isang modelo, endorser, host na nakilala bilang grand finalist ng “It’s Showtime” segment na “Bidaman.”

Love wins!