Unang beses na mawawalay nang matagal sa kaniyang mga magulang si Kapuso actress Gabbi Garcia kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos para sa kanilang matagal na bakasyon sa Amerika.

Sa isang Instagram post ng aktres, pinasalamatan ni Gabbi ang kaniyang mom at dad para kanilang "long vacation" ni Khalil.

“Thank you for allowing me to do this. I really really appreciate it. I’m blessed to have parents who are allowing me to grow on my own. Thank you for trusting me!” ani Gabbi sa kaniyang appreciation post.

Ang sariling mom pa ng aktres na isang flight attendant ng sinakyang eroplano ang nag-assist sa couple sa kanilang paglipad sa Amerika.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Facebook followers ni Gabbi Garcia, tumabo na ng 14M; aktres, nagpasalamat sa suporta – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang kaibigan naman sa showbiz ang masaya sa well-deserved break ng Kapuso real-life couple.

“This is it!!!! Enjoy your vacation guys!” komento ni Maine Mendoza.

Nag-iwan din ng heart comments ang mga aktres na sina Denise Laurel, Yasmien Kurdi, Isabelle Daza, at Carla Abellana sa bagong adulting milestone ng aktres.

Sa mga naunang panayam ng aktres, buong buwan ng Setyembre mamalagi sa Amerika sina Gabbi at Khalil.

Basahin: Kapuso couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos, magpapahinga sa Amerika – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid