Nagtungo sa puntod ni AJ Perez ang kaniyang kapatid na lalaking si "Angello Perez" upang i-alay sa kaniya ang tagumpay bilang graduate ng Ateneo De Manila University, with honors.

Sa kaniyang Instagram post noong Agosto 29, makikitang nakasuot pa ng kaniyang toga si Angello nang magsadya sa puntod ng kaniyang kapatid, gayundin sa iba pa nilang kaanak.

"Always dedicating my successes to you," caption ni Angello sa kaniyang IG post.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Umani naman ng pagbati mula sa mga netizen ang ginawa ni Angello, at tiyak daw na proud na proud si AJ sa kaniyang utol, nasaan man ito ngayon.

Matatandaang namatay si AJ noong 2011 dahil sa car accident sa Tarlac, na ikinagulat ng lahat, dahil 18 taong gulang pa lamang ito noon.