Nag-react ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa naging social media post umano ng isang travel magazine editor at founder/managing director ng isang hotel na si Christine Cunanan, patungkol sa naging bahagi ng talumpati ni dating Vice President, ngayon ay chairperson ng "Angat Buhay Foundation" na si Atty. Leni Robredo, nang imbitahan sa commencement exercises sa Ateneo De Manila University.

Ayon umano sa post ni Cunanan, hindi raw niya maunawaan o nahihirapan siyang i-decode ang isang bahagi ng talumpati ni Robredo.

"Is it just me having a hard time decoding this? #helpme," caption ni Cunanan sa kaniyang post, kalakip ang screengrab ng pubmat kung saan nakalagay ang bahagi ng talumpati ni Robredo.

Isang netizen ang nagtweet nito at kinomentuhan na "YEP! Just you having a hard time understanding the deepness of what Leni is saying. Sayang yung blue check."

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

Mababasa sa pubmat ang bahagi ng talumpati ni Robredo tungkol sa paglilingkod sa bayan. Inihalintulad pa niya ito sa "down from the hill" na bahagi ng lyrics ng Ateneo De Manila University Hymn na "A Song for Mary".

Sey ni Ogie sa kaniyang tweet, "Ganun talaga pag di mo gusto yung tao, kahit anong gawin niya, kukuwestiyunin mo. Hahanapan mo ng butas. Parang utak nitong si Cunanan, hinahanap."

https://twitter.com/ogiediaz/status/1564231159336288263

Batay sa mga litrato at Facebook post ni Cunanan, siya ay tagasuporta ng UniTeam noong nakaraang halalan.

Samantala, ilang mga netizen din ang napa-react dito.

"Are you an ADMU graduate? Do you know what 'DOWN FROM THE HILL' means? If yes, please explain it to your co-alumnus Christine Cunanan. Thanks," sabi ng isa.

Turan ng isa, "Christine Cunanan - any Ateneo Grade 5 student will be able to explain to you what it means. Hot tip: the audience are Ateneo student graduates, they know exactly what she means. There’s a song in there that all Ateneans know by heart starting from grade 1."

"Ang 'down from the hill' ay linya sa Ateneo school hymn. Ang school kasi ay nasa burol overlooking Marikina at palagi sinasabi dito na ang mga Atenista ay dapat makihalubilo at tumulong sa mga nangangailangan sa baba ng burol. Para kay Atty. Leni Robredo, dapat equal ang tingin sa lahat. Dapat alisin ang idea sa mga Atenista na kailangan pa nila bumaba ng bundok/burol para tumulong at kailangan pa sila akyatin para makahingi ng tulong."

"Wala dapat hadlang at walang pinipili sa pagtulong sa mga tao. Kung hindi ka naman kasi parte ng Ateneo community, mahihirapan ka talaga intindihin yung relevance ng concept na 'down from the hill.' Isipin din natin na ang audience ni Atty. Leni Robredo kahapon ay mga Atenista at hindi ang Pilipinas. Sila ang makakaintindi sa sinabi niya," paliwanag ng isa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cunanan tungkol sa isyung ito.