Mukhang kasado na raw ang napababalitang collaboration project ng dalawa sa mga higante at magkaribal na TV network sa bansa; ang ABS-CBN at GMA Network, at ang sinasabing magiging magkatambal daw dito ay sina Kapamilya actor Joshua Garcia at Kapuso actress Gabbi Garcia.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, sina Joshua at Gabbi raw ang magiging pambato ng dalawang network, ngunit hindi pa tiyak kung ito ba ay isang pelikula o teleserye. Sinasabing ang mamamahala raw sa produksyon ay ang Dreamscape Entertainment.

Kung teleserye ito, isa na namang first time ito sa pagitan ng ABS-CBN at GMA dahil parehong umeere sa kanila ang isang programa.

Matatandaang naunang nagkaroon ng makasaysayang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang TV network, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula ng "Star Cinema", ang movie company ng ABS-CBN, sa afternoon prime ng GMA Network tuwing Linggo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sinabi rin ni GMA Network Chairman Felipe Gozon na bukas umano ang Kapuso sa anumang sanib-puwersa sa Kapamilya Network.

Samantala, abangers na lamang tayo sa mga susunod na announcement at pasabog ng dalawang network na ito.