Isang 10-anyos na lalaki ang sinakmal at tinangay ng buwaya habang namimingwit sa ilog sa Rizal, Palawan nitong Linggo ng hapon.

Nagsasagawa pa rin ng search and retrieval operations ang mga awtoridad sa pag-asang mahanap pa ang biktima sa Canipaan River sa Brgy. Canipaan.

Sinabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang insidente ay naganap sa naturang ilog nitong Linggo dakong 5:00 ng hapon.

Nangingisda lang ang bata sa nasabing ilog habang naliligo naman ang ilang kaibigan nang biglang sakmalin ng buwaya at tinangay pa ito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kabilang din sa tumutulong sa paghahanap sa biktima ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC).

Noong Mayo 23, 2019, isa ring magsasaka ang binawian ng buhay nang atakehin siya ng buwaya habang sinasagip ang isa sa mga anak.