BAGUIO CITY – Kinoronahanbilang Miss Baguio-Breathe 2022 angcivil engineer student na si Krishnah Marie Gravidez sa ginanap na coronation night noong Agosto 27 sa Baguio Convention and Cultural Center, Baguio City.

Si No.8 Gravidez, 21, na kumakatawan sa Barangay Irisan, ay ginawaran din bilang Miss Lafayette, ang sikat na hotel ng lungsod.

Kasama sina Gravidez na kinoronahang No. 9 na si Jasmin Ann Urmaza, ng Barangay BGH Compound bilang Miss Baguio Malikhain; No. 6 Aizha Veronica Loyal, ng Barangay Ferdinand Campo Sioco bilang Miss Baguio Kalikasan; No.7 Amira Ramirez, ng Barangay Padre Burgos, bilang Miss Baguio Kultura at No.10 Maiko Ibarde, ng Barangay Greenwater, bilang Miss Baguio Tourism.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang Miss Baguio pageant ay kasabay ng taunang pagdiriwang ng 113th Baguio Charter Anniversary sa Setyembre 1 na may temang "113th Baguio Charter Day: Getting Ready for the Future."