Tinatayang aabot sa₱13.6 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang babae na magkapatid sa Silay City, Negros Occidental nitong Linggo.

Nakakulong na ang dalawang suspek na sinaAngie Dumdumaya, 30, at Angielyn Dumdumaya, 25,kapwa high-value individual, ayon sa pulisya.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit-Western Visayas at Silay City Police Station ang operasyon sa Sitio Dapdap, Brgy. Lantad na ikinaaresto ng magkapatid dakog 10:15 ng umaga.

Sinabi naman ng Police Regional Office-Region 6 (Western Visayas), nasamsam sa dalawang suspek ang dalawang kilo ng shabu na nagkakalahagang₱13,668,000.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Kumpiskado rin ang limang plastic sachet ng umano'y shabu at drug paraphernalias.

Nahaharap na sa kasong paglabag saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

PNA