Bumaba ang naitalang crime incidents sa bansa sa nakalipas na walong buwan, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.

Sa panayam sa radyo, binanggit ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, nasa walong porsyento ang ibinaba ng krimen sa Pilipinas kumpara naitala sa kaparehong panahon nitong 2021.

Ang tinutukoy ni Fajardo na bumaba ang bilang ay index crime katulad ng murder, homicide physical injury at rape.

Binanggit din ni Fajardo ang mga nakaraang insidente ng pagdukot at pagpatay sa ilang bahagi ng bansa na karamihan ay nalutas na ng pulisya.

National

Sen. Imee sa bangayang PBBM-VP Sara: ‘Ipagdasal natin sila!’

“Hindi natin maikakaila na in recent weeks ay may mga naitala tayong insidente ng pagdukot, pagkawala, at ilang araw ay nakikitang patay na ang biktima. Subalit, ang mga naitala nating insidenteng ito ay naresolba na ng PNP at nahuli na ang suspek, nakasuhan, at kasalukuyang naka-detain sa ating mga police stations,” aniya.

Aniya, nakapagtala rin ang PNP ng 25 na insidente ng pagdukot mula Enero hanggang Hulyo 2022.

Karamihan sa kaso ng pagdukot ay may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operator, gayunman, naresolbana umano ang mga ito.