Napag-usapan nina Ogie Diaz at co-host na si Mama Loi sa kanilang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tungkol sa pagtanggi ni Kapuso actress Kylie Padilla sa mga intrigang nabuntis umano siya ng katambal niyang Kapamilya actor na si Gerald Anderson, nang sila ay magkasama sa shooting ng kanilang upcoming movie, sa Switzerland.

Ayon kay Ogie, dahil pinabulaanan ni Kylie ang isyu, tila ang tunay na jowa ni Gerald na si "Julia Barretto" ang napagbalingan naman daw ngayon ng mga "Marites".

"Mali naman talaga. Hindi totoo 'yon,” sabi ni Ogie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/24/kylie-padilla-sa-mga-isyu-sa-kanila-ni-gerald-anderson-magkaibigan-lang-po-kami/">https://balita.net.ph/2022/08/24/kylie-padilla-sa-mga-isyu-sa-kanila-ni-gerald-anderson-magkaibigan-lang-po-kami/

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Segunda naman ni Mama Loi, “Kasi raw, si Julia Barretto raw yung buntis, yun 'yung usap-usapan, Nay, sa isang taping. Napag-uusapan daw ng prod staff. Nagtatanungan sila kung, 'Gaanong katotoong buntis si Julia Barretto?'”

"Nakakaloka 'no? Hindi umepek kay Kylie Padilla yung tsika, aba, tina-try naman dito umepek kay Julia Barretto yung ng tsika. So hindi pa 'yan confirmed ha, malinaw po 'yan. I'm sure lilinawin naman 'yan ni Julia Barretto kung true man 'yan o hindi," giit naman ni Mama Ogs.

Nagkomento rin ang showbiz columnist-talent manager na parang hindi naman totoo ang tsikang buntis si Julia dahil napakaseksi nito sa teaser photos ng pelikulang "Expensive Candy" na unang pagtatambal nila ng aktor na si Carlo Aquino.

"Para namang hindi buntis si Julia Barretto diyan," sey ni Ogie.

Speaking of Julia, isa pang "Julia" ang iniintrigang buntis din ngunit wala pang kumpirmasyon kung may katotohanan ba. Ito ay walang iba kundi si Julia Montes, an rumored girlfriend ni Coco Martin.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo nina Gerald o ni Julia tungkol sa isyu.