Kahit pa nahirang na Best Player of the Conference (BPC) si June Mar Fajardo nitong Linggo, hindi pa rin nito naipanaloang San Miguel laban sa TNT Tropang Giga sa Game 4 ng kanilang PBA Philippine Cup finals sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Jayson Castro ang Tropang Giga laban sa San Miguel, 100-87, sa naisalansan na 26 puntos, anim na rebounds at apat na assists.

Nalusutan ng TNT ang Beermen kahit kumamada nang husto si Fajardo na naka-double-double--20 puntos at 19 rebounds.

Nag-umpisa ang ratsada ng Tropang Giga sa second half at inalagaan ang kanilang bentahe hanggang sa tumunog ang final buzzer.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumulong din kay Castro si Roger Pogoy sa pinakawalang 21 puntos.

Itinakda ang Game 5 ng kanilang best-of-seven series sa Araneta Coliseum sa Miyerkules.