CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga -- Binuwag ng mga awtoridad ang isang makeshift drug den na nagresulta din sa pagkakaaresto ng anim na indibidwal at pagkakasamsam ng humigit-kumulang Php 103,500.00 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Minuyan Proper, lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, hapon nitong Linggo, Agosto 28.

Nahuli ng mga pinagsanib na operatiba sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan, PDEA Region I, at Bulacan police ang mga suspek na kinilalang sina Rogello Estrada, 39; Marilou Morales, 48; Ruel Batister, 26; Leo Tondag, 29; Victor Perez, 44; at Roldan Campos, 38, pawang taga-City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Nakuha sa sting operation ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo na may tinatayang street value na Php 103,500.00.

Bukod sa iligal na droga, nakumpiska rin ng mga operatiba iba't ibang drug paraphernalias at ang buy-bust money.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Sinimulan ng mga operatiba ang operasyon ng droga sa oras ng tanghalian, ngunit nakapasok sa drug den bandang 5:00 ng hapon .

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pagsasampa sa korte.