Tutulak pa-Australia para sa kaniyang solo concert tour si Megastar Sharon Cuneta sa darating na Oktubre.

Sa kaniyang Instagram update nitong Linggo, apat na lugar sa Australia ang kumpirmadong pagtatanghalan ng OPM at Philippine cinema icon para sa kaniyang "Love, Sharon" concert.

Kabilang sa bibisitahin ni Mega ang Adelaide, Perth, Sydney, at Melbourne mula Oktubre 15 hanggang Oktubre 29.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ilang Pinoy followers naman ni Mega sa Instagram ang nagpahayag na ng excitement sa tour.

Nitong Hulyo, jam-packed din ang schedule ni Mega para sa matagumpay na Iconic tour nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa North America.