Sasabak kaagad sa ensayo ang Gilas Pilipinas upang mapaghandaan ang laro nila laban sa Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Lunes, Agosto 29.
Ang koponan ay dumating sa bansa nitong Sabado ng umaga mula sa Beirut kung saan sila natalo laban sa koponan ng Lebanon nitong Biyernes.
Sa pahayag ni Gilas head coach Chot Reyes, ibubuhos na nila ang lahat sa practice upang hindi na maulit ang nalasap nilang kabiguan kontra ng Lebanon.
Sinabi ni Reyes, 'nangangapa' pa umano sa isa't isa at kakulangan ng ensayo ng mga manlalaro nito ang kabilang sa mga dahilan ng kanilang pagkatalo.
Dalawa na ang panalo ng Gilas at tatlong talo sa Group E, gayunman, kumpiyansa si Reyes na makababawisila laban sa Saudi Arabia.
Kabilang din sa Group E ang Lebanon, New Zealand, Jordan, Saudi Arabia at India.
Itinakda pa ang laro ng Gilas sa Nobyembre at Pebrero 2023.