Kamakailan lamang ay kinuyog ng mga "grammar nazi" o mga taong mapanuri pagdating sa paggamit ng English grammar, ang Instagram post ni "Raffa Castro", ang anak ng dating aktor at ngayon ay news anchor na si Diego Castro, na siyang partner naman at ina ng anak ni Joaquin Domagoso, anak naman ni dating Manila City Mayor Isko Moreno.

Matatandaang lumabas ang mga tsikang isang ama na ang anak ni Yorme, na kamakailan lamang ay kinumpirma na ng kanilang kampo. Matapos magsilang, finally ay ibinida na ni Raffa ang throwback photo niya noong nagdadalantao pa siya.

"Can't believe this was 4 months ago 💙 and that the love of my life was inside my stomach," caption ni Raffa sa kaniyang IG post.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Screengrab mula sa IG/Raffa Castro

Sinita ng mga netizen ang pagkakagamit niya sa salitang "stomach". Dapat daw, ito ay "womb" o "uterus".

"Inside your stomach? Mga gastro juices po ang nandiyan."

"Womb mare hindi stomach…"

"Kelan pa napunta sa stomach?"

"Sa uterus mo po nag-stay ang baby mo, hindi sa stomach."

Marahil ay nabother sa dami ng mga nagkomento, kaya kaagad itong inedit ni Raffa.

"Can't believe this was 4 months ago 💙 and that the love of my life was inside my tummy," mapapansing caption na ni Raffa sa kaniyang IG post.

Pinalitan niya ang "stomach" ng "tummy" sa halip na sundin ang suhestyon ng mga netizen na "womb" o "uterus" ang gamitin niya.

Samantala, sa positibong mga komento naman, pinuri ng mga netizen ang taglay niyang kagandahan.

"How were you able to bounce back that fast after giving birth? I mean your body… Wow. Anyway, so happy for you!"

"Love seeing this photo on your page! You’re kind, natural, easy to work with and happy to do a shoot with. God bless you, your Baby and your Family!"

"Napakaganda mo. Huwag mong papansinin ang mga basher."

"Dyosa!!! 😭✨ motherhood definitely looks best on you. happy for you!!!"

Sa mga latest Instagram posts ay makikitang parang hindi naman nanganak si Raffa at talaga namang flat na flat ang kaniyang stomach… este tummy!