Tumaas na naman ang bilang ng kaso ng Omicron subvariant cases sa bansa matapos madagdagan pa ito ng 147 nitong Agosto 24.
Sa pahayag ng Department of Health (DOH), ang mga nasabing kaso ay naitala sa Davao Region, Calabarzon, Soccsksargen, Bicol Region, Ilocos Region, National Capital Region (NCR), Central Luzon, Central Visayas, Cagayan Valley, BARRM, Western Visayas, Eastern Visayas, at Northern Mindanao,habang ang tatlo ay natukoy sa tatlong returning overseas Filipino.
Anim ding karagdagang BA.4 cases ang naitala sa Bicol Region, Soccsksargen, at Davao Region.
Isa ring indibidwal ang nagpositibo sa BA.2.12.1 variant sa Ilocos Region.
Nitong nakaraang Marso, isinama ng World Health Organization (WHO) sa kanilang monitoring list ang BA.4 at BA.5 at tinukoy ng European Center for Disease Prevention and Control bilang mga variants of concern.
Sa Amerika, bantay-sarado pa rin ng United States Center for Disease Control ang BA.2.12.2 variant nang lumobo ang kaso nito sa naturang bansa.