Ipinakita ng "Magandang Buhay" host na si Momshie Melai Cantiveros kung ano ang kaniyang naging reaksiyon nang makita ang electric bill na kailangan niyang bayaran para sa buwan ng Agosto.

Makikita sa kaniyang TikTok at Instagram ang kaniyang facial expression na dumaan sa matinding editing.

"Dahil dito nagbakasyon in 1 month ang mga pinsan ni Mela at Stela 😍 Well well well sabi ng kuryente its PayBackTime," saad ni Melai sa kaniyang caption.

₱20K umano ang babayarang konsumo sa kuryente ni Melai.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagkomento naman dito ang mga kaibigang celebrities na sina Gelli De Belen, Kim Chiu, at ang dating Magandang Buhay momshie host na si Karla Estrada.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang isang guro mula sa Pili, Camarines Sur kung saan umabot umano sa ₱700,000 ang kaniyang electric bill.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/25/bayaran-ko-na-baka-putulan-ako-electric-bill-ng-isang-guro-sa-camsur-umabot-sa-%e2%82%b1700k/">https://balita.net.ph/2022/08/25/bayaran-ko-na-baka-putulan-ako-electric-bill-ng-isang-guro-sa-camsur-umabot-sa-₱700k/

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng guro na karaniwang umaabot lamang sa ₱6K hanggang ₱7K ang kanilang buwanang bayarin sa konsumo ng kuryente, kaya naman nawindang siya sa kaniyang nabungaran sa bill.

Kaagad na nagsadya sa tanggapan ng CASURECO II ang guro noong Lunes, Agosto 22. Humingi naman ito ng dispensa sa kanila at inaming nagkamali lamang sila sa pagbasa ng nakonsumong kuryente sa kuntador.

Nasa ₱5K lamang umano ang kailangang bayaran ng guro sa katapusan ng buwan.