CEBU CITY -- Nasamsam ng pulisya ang mga pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P13.6 milyon mula sa isang 32-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation sa Brgy. Biasong, Talisay City, Cebu noong Biyernes, Agosto 26.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Albert Conde Guia.

Samantala, nailigtas ang tatlong 15-anyos na mga lalaki nang isinagawa ng Intelligence Unit and Drug Enforcement Unit ng Cebu Provincial Police Office ang buy-bust operations.

Ayon kay Police Major Joey Bicoy, na nangunguna sa operasyon, na ang tatlong menor de edad ay ginamit ni Guia bilang 'runners' ng kanyang mga ilegal na transaksyon sa droga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dagdag pa ni Bicoy, kabilang ang suspek sa Top 10 high-value individual sa regional level ng drug watchlist.

Ang nasamsam na droga kay Guia ay may timbang na dalawang kilo.

Calvin Cordova