Hindi napigilang panggigilan ng ilang celebrities ang kakyutan ng bunso nina Kapuso couple Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto suot ang kaniyang “Lapulapu” costume para sa pagdiriwang ng “Linggo ng Wika.”

Mula buhok, espada, panangga at mga burda sa katawan, kumpleto sa kaniyang costume at tila nag-time travel ang tatlong taong-gulang na si Sixto.

Sa ibinahagi pang maikling video ng Kapuso couple sa Instagram, makikita ang tila nahihiya pang si Sixto na ipinakikilala ang kaniyang karakter.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ako si ‘Yapuyapu,’” cute na cute na saad ni Sixto sa pangalan ng kilalang datu at bayaning Pilipino na gumapi sa pananakop ng mga Espanyol noong 1521.

Hindi naman nakaligtas sa mga celebrities ang kakyutan ni Sixto.

Marian Rivera/Dingdong Dantes via Instagram

Kabilang sa mga nanggigil kay Sixto ang TV host na si Iya Villania, at Celeste Tuviera.

Marian Rivera/Dingdong Dantes via Instagram

Napansin din nina Nadine Samonte, Joyce Ching, Ana Feleo at Lotlot De Leon ang kakyutan ng tatlong taong-gulang na Dantes.

Maging ang mga singer na sina Pops Fernandez at Kim Molina ay napa-komento rin sa adorable internet celebrity.

Sa mga dating panayam ni Marian, proud na ibinahagi ng Kapuso actress na talagang extra at todo-effort siya pagdating sa kaniyang mga anak lalo na sa mga activities nito sa kani-kanilang school.

Si Sixto ang pangalawang chikiting ng Kapuso couple, kasunod ng kanilang panganay at cute na cute din na si Zia.