Matapos dagsain ng mga netizen ang kaniyang naging komento patungkol sa pagiging "Darna" ni Jane De Leon, ang sumunod na "sinawsawan" naman ni RR Enriquez ay ang relasyon ng Kapuso artists na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Matatandaang sa naging panayam ni award-winning journalist Jessica Soho kay Ruru, inamin nitong matagal na silang nasa dating stage ni Bianca, at masasabi niyang wala pa silang label.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/22/ruru-madrid-first-time-sinagot-kay-jessica-soho-ang-tungkol-sa-label-ng-relasyon-nila-ni-bianca-umali/">https://balita.net.ph/2022/08/22/ruru-madrid-first-time-sinagot-kay-jessica-soho-ang-tungkol-sa-label-ng-relasyon-nila-ni-bianca-umali/

Sa kaniyang Facebook post noong Agosto 23, tila "nanggigil" si RR nang malamang apat na taon na palang nagde-date sina Ruru at Bianca, subalit wala pa rin silang label.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Gusto ko ito sawsawan at gigil ako😩😂," ani RR.

"Four years and yet “No Label??"

"Gurl if totoo man 'yan you should know your worth…"

"Kaya ko pa i-accept if 6 months lang 'yan because ganyan din kami dati nag-start ni Frog pero after 6 months of dating, aba teka do you want it to be official or official na kita kakalimutan😂."

"4 years is too long para hindi n'yo pa rin malagyan ng label 'yan…"

"Buti pa yung t-back na nabili ko sa tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga…" ani RR.

Samantala, ibinalita ni RR na magkakaroon na siya ng vlog, na ang magiging paksa ay ang mga "pananawsaw" niya sa mga isyu.

"Ok marami pa ako sasabihin pero sa new Sawsawera Vlog show ko na sasabihin😂"

"Yes you heard me right! After one year of being SAWSAWERA I decided na gawin na itong vlog show. Since in-demand tayo ngayon😂."

"Watch for my pilot episode na ilalabas ko this Friday or Saturday???" aya pa ni RR sa kaniyang mga subsribers at followers.