Tinatayang aabot sa ₱285 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na asukal ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Quezon City nitong Martes.
Sa isang television report, sinalakay ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang isang warehouse sa Araneta Avenue kung saan nakatago ang daan-daang libong metriko toneladang asukal.
Aabot sa 57,000 sako ng inangkat na asukal ang nabisto sa bodega.
Sa pahayag naman ng tagapamahala ng warehouse, inangkat sa Thailand ang nakaimbak na asukal at dumating ito sa bansa nitong nakaraang buwan.
Iginiit nito, legal umano ang kanilang importasyon dahil mayroong permit at clearance mula sa BOC at Sugar Regulatory Board (SRA).
Ang naturang asukal ay para umano sa industrial consumers at nakaimbak lamang sa lugar dahil hindi pa kailangan mga planta.Pansamantalang isinara ng BOC ang bodega kasabay ng pagbibigay sa may-ari nito ng dalawang linggo upang patunayang legal ang kanilang pag-angkat ng produkto.