May pasaring ang batikang aktres na si Agot Isidro sa mga politikong mahilig umano pumarty.

"Sarap kutusan yung mga politikong madalas sabihin ang mga katagang 'dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya', pero wala naman ginagawa kundi ang pumarty," saad ng aktres sa kanyang tweet noong Agosto 22.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/agot_isidro/status/1561651564011745280

Kamakailan, pinuna ng mga netizen ang naging "party-party" ng mga senador, politiko, at maging ni Pangulong Bongbong Marcos sa naganap na birthday celebration ni Senador Sonny Angara noong Agosto 7.

Pinuna ng mga netizen ang kasiyahan ng mga senador gayong marami umanong mga Pilipino ang humaharap sa hirap dahil sa matinding implasyon o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/09/tulfo-dumipensa-sa-viral-b-day-party-ni-angara-nalikom-na-donasyon-napunta-sa-pgh-foundation/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/09/tulfo-dumipensa-sa-viral-b-day-party-ni-angara-nalikom-na-donasyon-napunta-sa-pgh-foundation/

Samantala, hindi rin nakaligtas sa mga netizen ang naganap na selebrasyon ng kaarawan ni First Lady Liza Araneta-Marcos noong Agosto 21.

Sa tweet ni PBBM na may mensahe para sa kanyang asawa, makikita ang ilang mga negatibong reply ng mga netizen hinggil dito.

https://twitter.com/bongbongmarcos/status/1561547181311799296