Patuloy na nami-miss ni Megastar Sharon Cuneta ang yumaong matalik na kaibigang si "La Primera Contravida" Cherie Gil, ayon sa kaniyang latest Instagram post.

Kahit saan daw magpunta si Mega ay patuloy niyang naaalala si "Lavinia Arguelles". Pakiramdam ni Shawie, kalahati ng kaniyang pagkatao ang nawala, kasabay ng pagpanaw ng aktres.

"Wherever I go… you are with me… No DORINA without LAVINIA… I feel like about half of me is missing… I really miss you…18 days now and it’s like I lost you just yesterday, my Chichi… I will love you always…" ani Sharon sa caption ng kaniyang IG post, Agosto 23.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Nitong Linggo, Agosto 21, kasama ang Megastar sa isinagawang espesyal na pagpupugay ng musical noontime show na "ASAP Natin 'To" para kay Cherie.

Inawit nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang ilan sa mga awiting tumatak sa mga iconic movies nito.

Emosyunal na inawit ni Sharon ang "Bituing Walang Ningning", na naging soundtrack ng kanilang iconic movie. Dito nagmula ang walang kamatayang linyahang "You're nothing, but a second rate, trying hard, copycat!"

Pagkatapos na pagkatapos kumanta ni Shawie ay agad siyang niyakap nang mahigpit nina Zsa Zsa at Regine.

Malalim umano ang kanilang samahan dahil mga bata pa lamang sila ay magkakilala na sila, bago pa man sumabak sa showbiz. Naging magkasama sila sa isang Glee Club sa paaralan kung saan si Cherie umano ang naging presidente.

Mahal na mahal daw niya si Cherie at hindi niya hahayaang mabura sa kasaysayan at makalimutan ng mga tao ang isang kagaya ni Cherie. Pakiramdam umano ng Megastar, kalahati ng kaniyang showbiz career ay nawala dahil sa paglisan ng kaniyang kaibigan. Naging malaki umano ang kontribusyon ni Cherie sa kung ano ang narating ng kaniyang showbiz career.

"Thank you for your contributions to the film industry," lumuluhang pasasalamat ni Shawie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/21/sharon-emosyunal-sa-tribute-ng-asap-kay-cherie-thank-you-for-your-contributions-to-the-film-industry/">https://balita.net.ph/2022/08/21/sharon-emosyunal-sa-tribute-ng-asap-kay-cherie-thank-you-for-your-contributions-to-the-film-industry/

Nalaman daw niyang may sakit si Cherie dahil sa kapatid nitong aktor na si Michael De Mesa, nang i-welcome siya ng cast members ng "FPJ's Ang Probinsyano" sa ASAP.

Matatandaang bago pumanaw ang aktres ay nakausap at nakasama pa ito ng Megastar sa Amerika. Para na raw niyang kapamilya si Cherie kaya masakit para sa kaniya ang pagyao nito. Siya nga lamang daw ang "outsider" na nakasama ng aktres bago ito malagutan ng hininga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/06/sharon-labis-ang-pamimighati-sa-pagkamatay-ni-cherie-i-will-love-you-with-all-my-heart-forever/">https://balita.net.ph/2022/08/06/sharon-labis-ang-pamimighati-sa-pagkamatay-ni-cherie-i-will-love-you-with-all-my-heart-forever/