Natagpuang patay ang 32-anyos na Pinay na domestic helper matapos itong magbigti noong Sabado, Agosto 20. 

Sa ulat ng The Sun Hong Kong, tumawag umano sa pulisya ang amo ng biktima bandang 2:40 ng hapon noong Sabado at iniulat nitong natagpuan niya ang kanyang kasambahay na nakabitin sa loob ng banyo ng kanyang bahay sa Tai Shue Ha East Road, Yuen Long Village.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-iwan ng suicide note ang Pinay na nagsasabing mayroong itong problemang pinansyal.

Ang Pinay ay taga-Bataan, kasal, may isang anak, at anim na taon nang naninilbihan sa kanyang amo, base umano sa consulate record nito.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Samantala, base rin sa ulat ng The Sun Hong Kong, nagtatrabaho rin ang ina at kapatid ng biktima sa Hong Kong. Sinabi ng kanyang pamilya na hindi nila alam na may problemang pinansyal ang namayapang Pinay.