Natatawa na lamang daw ang showbiz-columnist na si Manay Lolit Solis sa mga netizen na pinagtsitsismisan ang kaniyang mga pinagsasabi sa Instagram, na siyang nagiging outlet niya upang maibsan ang kaniyang lungkot dulot ng pagkakasakit.

Tila naging teleserye at "national issue" pa raw ang nasabi niyang gusto niyang isama sa cremation ang kaniyang paboritong alagang asong si "Jokjok" kung sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang lumisan sa mundong ibabaw.

Ayon sa mga netizen, bakit daw kailangan pang idamay ang nananahimik na aso.

Buwelta naman ni Lolit, walang pakialamanan!

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"Talagang parang teleserye na ang pagkakasakit ko Salve. Pati nga ang favorite dog ko na si Jokjok celebrity na dahil kasali na siya sa mga comments. Katawa dahil para bang national concern na ang mga pangyayari sa amin ni Jokjok. Naku talagang bored na ang tao, wala ng magawa kaya pati ibang tao meron na silang pakialam."

Napapalagpas naman daw ni Manay ang kuda ng mga tao, pero may ilan din namang below the belt na.

"Huwag lang sobrang harsh ok lang, pero iyon sobra na, siyempre wah ko feel. Anuman desisyon ko sa buhay ko, akin iyon, walang pakialam ang iba. Kaniya-kaniya tayong buhay, remember, kaya may line na dapat huwag natin i-crossed dahil iyon lang ang limit."

"Your life is your life, my life is my life. Kaya behave noh!" aniya pa.

Anyway, sumasailalim ngayon sa dialysis si Lolit dahil sa kaniyang kidney problem.