Simula nang maging viral ang kaniyang mga litrato habang namamasyal sa isang parke sa Davao De Oro, mapansin at maging product endorser, at maitampok pa sa isang news magazine show, ay labis-labis ang pasasalamat sa Diyos at mga tao ni "Junrey Baug" o mas sumikat sa pagiging Jericho Rosales look-alike na talaga namang nakatawag ng pansin sa mga netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/jericho-rosales-look-alike-na-si-junrey-baug-nag-courtesy-call-sa-mayor-itatampok-sa-kmjs/">https://balita.net.ph/2022/08/13/jericho-rosales-look-alike-na-si-junrey-baug-nag-courtesy-call-sa-mayor-itatampok-sa-kmjs/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/11/kamukha-ni-jericho-rosales-product-endorser-na/">https://balita.net.ph/2022/08/11/kamukha-ni-jericho-rosales-product-endorser-na/

Matapos magpa-facial treatment at make over sa kaniyang pananamit ay talaga namang lumutang ang pagkakahawig nila ng bankable at award-winning actor.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Dumating pa raw sa puntong marami ang lumalapit sa kaniya upang makipag-selfie.

Sa kabilang banda, hindi naman daw nagseselos ang kaniyang misis dahil alam daw nitong siya lamang ang mahal niya at wala nang iba.

Kung may mga natutuwa sa kaniya, syempre, hindi rin maiiwasang magkaroon ng bashers.

Sa isang panayam ng vlogger na si Chito Samontina ng "CHITchat", inamin ni Junrey na medyo nasasaktan siya noon sa mga sinasabi ng mga basher na siya raw ang "Kulang sa paligo" at "Pagod" na bersyon ni Jericho Rosales, subalit minabuti na lamang niyang huwag itong pansinin.

Looking forward si Junrey sa mga oportunidad na nagbubukas ngayon, at sana nga raw ay makaharap na niya ang "kambal" na si Jericho Rosales.