Naka-relate ang TV host na si Jolina Magdangal sa emosyonal na tagpo ng pamamaalam nina Jillian at Tricia Robredo sa inang si Angat Buhay Chairperson Leni Robredo.

Magkahiwalay na inihatid ng inang si Robredo ang dalawa sa kaniyang “Tres Marias” sa airport nitong Martes.

Si Jillian, panglimang beses mang mawawalay sa kaniyang ina at mga kapatid ay hindi pa rin nitong maiwasang maluha nang magpaalam para sa panibagong oportunidad sa labas ng bansa.

Sa pagsabak naman ni Tricia sa Harvard Medical School, naluha rin ang doktor habang nagpapalam sa ina sa airport.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Basahin: Tricia Robredo, lumipad na ng Amerika para sumabak sa Harvard Medical School – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Todo-relate naman ang celebrity mom na si Jolina sa tagpo ng mag-iina sa airport.

Napakomento na lang ng crying emoji ang “Magandang Buhay” host.

Basahin: Dream come true! Jolina Magdangal, nag-camping kasama ang pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Parang ako po ma’am, ‘di ko po ata kakayanin yan pag si Pele at Vika. Juskopo! Naiisip ko palang po ngayon, naninikip na dibdib at lalamunan ko,” komento ni Jolina sa Instagram update ni Robredo.

Si Jolina ay mom of two sa asawang bandista na si Mark Escueta.