Isa rin si Atty. Chel Diokno sa mga bumati kay dating Senador Kiko Pangilinan sa kaarawan nito ngayong Miyerkules, Agosto 24.

Binati ni Diokno si Pangilinan sa pamamagitan ng Twitter post. Una niyang inilahad na matagal na umano silang magkaibigan ng dating senador.

"Marami ang di nakakaalam pero matagal na kaming magkaibigan ni Sen. @kikopangilinan, mula sa college days sa UP Diliman,hanggang sa kami’y maging abogado. Nakatrabaho kong muli si Senator Kiko nang ako’y italaga bilang general counsel of the Senate Blue Ribbon Committee noong 2001," aniya.

Sharon, may mega pagbati sa kaarawan nina Kiko, Tito

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1562376229872738304

Kuwento pa ng dating senatorial aspirant, si Pangilinan ang naghikayat sa kanya na tumakbong senador noong 2019 at doon niya umano nakilala nang husto ang senador.

"Si Senator Kiko rin ang unang naghikayat sa akin na tumakbo bilang Senador noong 2019. Sa mahabang panahong iyon, nakilala ko si Senador Kiko bilang napakabuting anak, ama, asawa at higit sa lahat, lingkod bayan," ani Diokno.

"Napakalaking karangalan na matawag siya bilang kaibigan," dagdag pa niya. "Happy Birthday, Sen. Kiko! Enjoy your day!"

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1562376240564015104

Matatandaan na noong nagdaang eleksyon 2022 ay nasa senatorial slate ng Leni-Kiko tandem si Diokno. Gayunman ay hindi siya pinalad na manalo.

Kaugnay na Balita: