Nagpaabot ng pagbati si Megastar Sharon Cuneta sa dalawang lalaking mahalaga sa buhay niya para sa kaarawan nila; ang kaniyang mister na si dating senador Kiko Pangilinan, at dating Senate President na si Tito Sotto III.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Mega ang kanilang lunch date nilang magpamilya.

"Happy Korean Fried Chicken Birthday lunch, my neighbor Kiko! Happy to be spending your 59th (yuuuuuck!😂😂😂) with you in Korea. We ❤️ you. God bless you always! #bhc #jeanna #mylovefromthestar girl’s chicken," ani Mega.

Relasyon at Hiwalayan

#BaliTanaw: Ang break-up statements nina Maris at Anthony sa mga ex-jowa nila

Sa isa pang Instagram post, binati naman niya ang mister ng kaniyang tiyahing si Helen Gamboa, na siyang itinuring na niyang ama, simula nang yumao ang kaniyang biological father na si Pablo Cuneta.

"Happy Birthday to my Daddy, Fath(er), “Buddy,” who loves me no matter what. I love you so much. Your eldest, Sha / Sasakoday ni Moth! (Da libre nyo ako kasi kung binigay ako ni Mommy kay Mama Helen nung maliit ako di na daw sya nag-asawa! Hah. Every year Dada ha!," ani Shawie.

Matatandaang nagkasalpukan sa pagkandidato sa Vice Presidency sina Kiko at Tito, kaya inamin ni Sharon na ang nagdaang kampanya ang pinakamahirap para sa kaniya.

At ngayon, pareho pa sila ng birthday. 59 na ngayon si Kiko habang si Tito naman ay 74.

Matapos ang halalan ay mukhang nagkaayos na rin naman sila.