Sang-ayon at "feel" ng talent manager na si Noel Ferrer ang sentimyento ng actress-chef na si Judy Ann Santos-Agoncillo tungkol sa paglobo ng presyo ng puting sibuyas.

Flinex ni Juday na "naiyak" siya sa presyo ng puting sibuyas, batay sa kaniyang Instagram story, Agosto 22. Napakayap na lamang ang misis ni Ryan Agoncillo sa mga nabiling puting sibuyas na nagkakahalagang ₱550 sa bawat kilo.

"Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati, kailangan ka munang hiwain bago maluha… ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ako sa presyo mo!" saad sa caption ng kaniyang litrato, na ibinahagi sa IG story.

Sa isa pang litrato, makikitang yakap-yakap ni Juday ang mga biniling puting sibuyas.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

"Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ko, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/22/nanamnamin-kita-bago-iluto-judy-ann-napayakap-naiyak-sa-presyo-ng-puting-sibuyas/">https://balita.net.ph/2022/08/22/nanamnamin-kita-bago-iluto-judy-ann-napayakap-naiyak-sa-presyo-ng-puting-sibuyas/

Matapos itong maibalita ay maraming nagsabing "OA" o over-acting ang naging reaksiyon ni Juday.

Kaya naman sa isa pang Instagram story, sinabi ni Juday na hindi pa rin talaga siya maka-move on sa panibagong presyo ng puting sibuyas, na dating ₱40 per kilo, ngayon ay ₱550 na!

"Pasensya na… hindi talaga ko maka-move on… yung dati naman kasing 40 pesos per kilo, naging 550 na! Paano naman akong hindi magpapaka-OA! Paano na ang sisig!! Onion soup, onion rings, at kung ano-ano pa."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/23/juday-di-talaga-maka-move-on-sa-presyo-ng-puting-sibuyas-dating-%e2%82%b140-per-kilo-%e2%82%b1550-na/">https://balita.net.ph/2022/08/23/juday-di-talaga-maka-move-on-sa-presyo-ng-puting-sibuyas-dating-₱40-per-kilo-₱550-na/

Ibinahagi rin niya ang screengrab mula sa IG story naman ng talent manager na si Hidilyn Diaz na mukhang kagaya raw ng kaniyang Ninang Juday ay dismayado rin sa presyo ng puting sibuyas. Mukhang magtatanim na lamang daw ng sariling sibuyas si Hidilyn.

"Yan inaanak!! Ako una mong suki!" saad ni Juday.

Mukhang feel din ni Noel Ferrer ang reklamo ni Juday. Kung si Juday ay umaaray na sa taas ng presyo ng mga bilihin, partikular ang puting sibuyas, paano naman kaya raw ang mga pangkaraniwang mamamayan? "

RealTalk #NagpapakatotoolLang homemaker @officialjuday feels the crunch… paano pa kaya ang ibang mga kababayan natin!!!?!🥲🇵🇭🙏 #GodBlessPinas," caption ni Noel. Ibinahagi niya ang screengrab ng IG story ni Juday.

Sa comment section ay nagkomento naman si Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na inaanak sa kasal ni Juday.

"Magtanim na ko ng sibuyas," saad nito.

Sumang-ayon naman ang mga netizen sa comment section ng IG post ni Noel tungkol dito.