Kinagat agad ng online viewers ang unang linggo ng muling paglipad ni “Darna” dahilan para milyon-milyon na agad ang naitalang online streams nito sa iba't ibang social media platforms.

Sa isang ulat ng entertainment website na Kapamilya Kingdom at sa berepikasyon na rin ng mga numero sa YouTube at Facebook, mahigit 41.4 milyong views nang napanuod ang kabuuang unang limang episodes ng “Darna” mula Agosto 15 hanggang Agosto 19.

Ang numero ng views sa mga online channels kagaya ng iWant TFC ay hindi pa kabilang sa ulat.

“Tinalo ng pilot week ng Darna ang pinagsama-samang views sa YouTube at Facebook ng 35 episodes ng “Lolong,” kasama na ang highlight videos, trailers, at iba pang promotional videos na mayroon lamang mahigit 38 million,” dagdag ng entertainment website.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ito'y sa kabila umano ng kawalan pa rin ng prangkisa ng Kapamilya Network.

Samantala, ayon naman sa ulat ng NUTAM People Ratings, ang katapat ng “Darna” ang namamayagpag pagdating sa TV ratings.

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Kapuso actor Ruru Madrid sa patuloy na sumusubaybay sa kaniyang programa.

Parehong mapapanuod mula alas-otso ng gabi, weekdays, ang parehong programa.