Humiling na ng dasal sa kaniyang followers si Kapuso singer Aicelle Santos para sa inang nasa kritikal na kondisyon.

Sa isang Instagram post nitong Martes, kalakip ang larawan ng ilang hospital apparatus, dumulog na ng panalangin si Aicelle sa social media.

“Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who's in critical condition right now. Her name is Leonila Santos,” mababasa sa IG post ng singer.

“Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord.🙏🙏🙏”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Walang idinagdag na detalye ang singer kaugnay sa sakit ng kaniyang ina ngunit umaasa ang pamilya para sa paggaling nito.

Ilang kaibigan sa showbiz industry naman ang nagpaabot ng dasal sa pamilya ng singer kabilang sina Kyla Alvarez, Angeline Quinto, Jolina Magdangal, Iya Villania, Sheena Halila, Rochelle Pangilinan bukod sa iba pa.

Isang IG story din ng kapatid ng singer na si Aaron ang ni-repost ni Aicelle.

“Lord God, I trust in you. This is by far the most difficult time my family and I have been through. You’ve always been with us and I know you are still as always. Please provide the healing and miracle for our mom,” mababasa sa reposted story ni Aicelle.

“To our family and friends, please include my mom in your prayers. At this moment, we need prayer warriors with us. Thank you!”