Ibinalandra ng aktres na si Michelle Madrigal ang mga litrato nila ng umano'y bago niyang nobyong "afam" o dayuhan, ilang buwan lamang matapos ang diborsyo nila ng mister na si Troy Woolfolk.

Nitong Lunes, Agosto 22, nag-post si Michelle ng mga litrato nila ng di pinangalanang afam sa kaniyang Instagram.

"Him," ang tanging caption nito. Batay sa lokasyon at kanilang pananamit ay nasa isang beach sila, sa Canyon Lake, Texas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikita sa tatlong litrato na tila malalim ang relasyon ni Michelle sa naturang afam.

Isa pa, nagbigay-compliment din sa kanila ang isang netizen na siya yatang kumuha ng litrato sa dalawa, at tinawag silang "cutest couple".

"Thank you for taking our photos. ☺️" pasasalamat ni Mitch.

Napa-sana all na lang talaga ang mga netizen at deserve umano ni Michelle na maging maligaya ulit.

"Get it girl!!!!!!!! Happy to see you happy. You deserve it!"

"Bagay na bagay!"

"Afam is love! Sana ol talaga. Happy for you, Michelle!"

Sa kabilang banda, may mga nag-react din na parang di raw nababakante ang aktres pagdating sa love life.

Well, hindi naman masamang maging maligaya para sa iba, lalo na't wala nang sabit at wala namang ibang tinatapakang ibang tao, 'di ba?