Mukhang na-korner ng batikang Kapuso broadcast journalist na si Jessica Soho ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa isang panayam sa kaniyang news magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tahasang tinanong kasi ni Jessica kung ano nga ba ang relasyon nina Ruru at Kapuso actress na si Bianca Umali.

Sagot ni Ruru, “Mahirap lagyan ng label.”

Kaya naman sabi ni Jessica walang label pero nagkaiyakan daw ang dalawa sa airport. Ani Ruru, “Kasi po hindi ko ine-expect na pupunta po talaga siya dahil nang time na iyon last day po ng taping namin ng 'Running Man' Philippines."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Limampung araw din kasing nanatili sa South Korea si Ruru kasama ng buong cast. Eh malamang miss na miss na rin ni Bianca ang aktor kaya naman sinorpresa niya ito.

Pero natatawang inulit uli ni Jessica ang tanong tungkol sa label ng relasyon nila Ruru at Bianca. Wala nang nagawa si Ruru kundi sagutin ang katanungan ng award winning broadcast journalist.

Sabi ni Ruru, “Dahil kayo po ang nagtanong Ma’am Jess. This is the first time na sasagutin ko po ito. Ah…We’re dating for four years.”

Ayon pa kay Ruru masaya sila ni Bianca dahil ramdam daw nila ang suporta ng bawat isa.

Noon pa man kasi walang direktang pag-amin sila Ruru at Bianca sa kung anong mayroon sa kanila. Matatandaang noong 2018 nang mapansin ng mga tagahanga nila na may something ang dalawang Kapuso star. Subalit kapwa tikom ang bibig ng dalawa sa estado ng relasyon nila. At least now nagsalita na ang Lolong star.

Yun na!