Mabagal umano ang paglaganap ng monkeypox sa bansa, ayon sa pahayag ng infectious disease expert na si Dr. EdselSalvaña nitong Lunes, Agosto 22.

Inihayag niSalvaña, lumipas muna ng ilang linggo bago natukoy ang ikalawa at ikatlong kaso ng sakit mula nang madiskubre ang unang nahawaan nito sa bansa.

Nauna nang natukoy ang unang kaso nito sa isang 31-anyos na Pilipino na dumating sa bansa nitong Hulyo 28.

Nitong nakaraang linggo, nakumpirma ang ikalawa at ikatlong kaso ng monkeypox matapos silang sumailalim sa pagsusuri. Ang dalawang nahawaan ng sakit ay nanggaling sa mga bansang tinamaan ng virus.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

“So, we expectmas mabagal ang pagka-detectng mga ito.We know it’s spreading, there’s some indications also that there is asymptomatic spread,” sabi ni Salvaña.

“So,kinakailangan na mas paigtingin pa natin ‘yung ating mgaprotocolsat ‘yung pag-detectng ganitong mga kaso mas magingvigilantpo," sabi nito.

Naniniwala rin ito na ang pag-iingat ng mamamayan kontra sa monkeypox ang dahilan ng mabagal na paglaganap ng sakit sa bansa.

Kamakailan, tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa na sila sa paglaban sa sakit, sa tulong na rin ng mga infectious disease expert at iba pang government.

PNA