Hindi napigilang maluha ng singer-composer na si Ogie Alcasid nang magkaroon ng prod para sa birthday niya. Binati siya ng ASAP family kasabay ng pag-awit ng mga ilang obra niyang kanta na naging parte na ng buhay ng mga tao.

Kasama ni Ogie na umawit ang misis niyang si Regine Velasquez, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla at Gary Valenciano. Inawit nila ang "Ikaw Sana," "Kailangan Ko'y Ikaw" at ang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka" na muntik nang hindi matuloy awitin ni Ogie dahil naging emosyonal na ito.

Kaya naman sabi ni Zsa Zsa siguro raw para kay Regine ang awiting iyon. Pinuna naman siya ni Martin na bakit huminto. Aniya, "We are still rolling." Saad naman ni Gary ituloy lang daw yung pag-awit na kalaunan ay itinuloy ni Ogie ang pagkanta at ng buong main hosts ng ASAP Natin 'To.

Bukod sa overwhelm si Ogie dahil inawit nila ang ilang komposisyon niya. Ang totoo raw kaya siya nawala sa pagkanta ng "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka" ay dahil daw kay Regine. Ani Ogie, "Aside from that, I tell you the truth why I lost because of you." Napangiti naman si Regine na teary eyed na rin sa sinabi ni Ogie at sabay humilig ang ulo sa balikat nito.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Usisa naman ni Martin kay Ogie why Regine raw? Dito na maluha-luha si Ogie.

Sey niya, "In the 55 years that I've been living on this earth my biggest companion was music. After my ups and downs it's always been… But what brought music was you (Regine). I know it's my birthday but you see when I married you… No when we got married when the pastor said you are gonna be one. I… that's what I feel. So everything else that I celebrate in life, I celebrated with you. So it's our birthday."

Dahil diyan hinalikan ni Regine si Ogie sa pisngi. Napakasweet couple talaga nila kumbaga perfect combination. Yun na!