Hindi lamang ang batikang aktres na si Cherry Pie Picache ang “nawindang" sa presyo ng puting sibuyas kundi maging si Judy Ann Santos-Agoncillo, batay sa kaniyang Instagram story, Agosto 22.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/aktres-na-si-cherry-pie-picache-windang-sa-presyo-ng-puting-sibuyas-kada-kilo/">https://balita.net.ph/2022/08/13/aktres-na-si-cherry-pie-picache-windang-sa-presyo-ng-puting-sibuyas-kada-kilo/

Niyakap ni Juday ang mga nabiling sibuyas na nagkakahalagang ₱550 sa bawat kilo.

"Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati, kailangan ka munang hiwain bago maluha… ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ako sa presyo mo!" saad sa caption ng kaniyang litrato, na ibinahagi sa IG story.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Screengrab mula sa IG/Judy Ann Santos

Screengrab mula sa IG/Judy Ann Santos

Sa isa pang litrato, makikitang yakap-yakap ni Juday ang mga biniling puting sibuyas.

"Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ko, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!"

Matatandaang nabatikos din si Juday nang sabihin niyang hindi muna siya nagko-cooking vlogs pansamantala dahil hindi niya alam kung ano ang lulutuin dahil sa mahal ng mga bilihin sa kasalukuyan, na kinomentuhan naman ng isang dating kalahok sa isang cooking show contest.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/13/pebbles-cunanan-nagkomento-sa-pahayag-ni-juday-tungkol-sa-cooking-vlog-diskarte-ghorl-turuan-kita/">https://balita.net.ph/2022/07/13/pebbles-cunanan-nagkomento-sa-pahayag-ni-juday-tungkol-sa-cooking-vlog-diskarte-ghorl-turuan-kita/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/13/pebbles-tinalakan-ng-ilang-kakampinks-dahil-sa-komento-kay-juday-pagbanggit-sa-lugaw-ni-leni/">https://balita.net.ph/2022/07/13/pebbles-tinalakan-ng-ilang-kakampinks-dahil-sa-komento-kay-juday-pagbanggit-sa-lugaw-ni-leni/