Pamumunuan ni Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ang lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Beirut kontra Lebanon para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Nitong Lunes, Agosto 22, inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 13 na manlalaro ng PH squad na bukod kay Clarkson, kasama rin si 7'2" center Kai Sotto.

Napili ring miyembro ng Philippine Team sina PBA playerJapeth Aguilar at Scottie Thompson ng Ginebra,Chris Newsome (Meralco), Calvin Oftana (NLEX), Jamie Malonzo (NorthPort), Roosevelt Adams na dating manlalaro ng Terrafirma Dyip,Ray Parks, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Dwight Ramos, at Carl Tamayo na amateur player.

Nakatakdang kalabanin ng Gilas ang Lebanon sa Beirut sa Huwebes, Agosto 25.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sasagupain din ng Philippine Team ang Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Agosto 29.

Inaasahang aalis ng bansa ang koponan patungong Lebanon nitong Lunes.