Naaliw ang mga netizen sa pabirong komprontasyon ng volleyball player na si EJ Laure sa kaniyang partner na si Bugoy Cariño matapos mag-viral ang litrato nito sa isang Facebook page.

Ibinahagi kasi sa Facebook page na "ACE.EM Photography" ang mga litrato niya na tila nakatingin daw sa isang babaeng nakaupo at gumagamit ng cellphone. Mukhang nasa basketball court naman si Bugoy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa FB Live na isinagawa ni Bugoy, makikitang pabiro siyang inurot-urot ng partner kung sino ang babaeng tinitingnan niya sa litrato. Nagtungo pala si Bugoy sa Pototan, Iloilo City noong Agosto 17, 2022 para sa isang liga ng basketball.

Nakilala ang naturang bebot na si Red Alexandria Bedonia.

Tigas sa pagtanggi naman si Bugoy at sinabing hindi siya ang nasa litrato. Aniya, wala raw siyang ibang titingnang babae at mamahalin kundi si EJ lamang, na siyang ina ng kaniyang anak.

Matatandaang dumaan sa matinding pagsubok at paghuhusga ng mga tao ang relasyon nina Bugoy at EJ dahil sa agwat ng kanilang edad.