Itinaas na sa Signal No. 2 ang apat na lugar sa Northern Luzon at 15 pang lalawigan ang apektado sa bagyong 'Florita.'

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa isailalim sa Signal No. 2 angeastern portion ng Cagayan (Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana),eastern portion ng Isabela (Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue), dulong northernportion ng Aurora (Dilasag, Casiguran), atnortheastern portion ng Quirino (Maddela).

Nasa Signal No. 1 naman ang nalalabing bahagi ngCagayan, nalalabing lugar ngIsabela, nalalabing bahagi ngQuirino,Nueva Vizcaya,Apayao,Abra,Kalinga,Mountain Province,Ifugao,Benguet,La Union,Ilocos Norte,Ilocos Sur,northern portion Aurora na kinabibilangan ng Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, at San Luis), atnorthern portion ng Polillo Island, kabilang ang Panukulan at Burdeos.

Huling namataan ang bagyo sa layong215 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora, at kumikilos pa-kanluran timog kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras, taglay ang bilis ng hanging 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 kilometro bawat oras.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Inaasahang hahagupit ang bagyo sa silangang bahagi ng karagatan ng Cagayan o Northern Isabela, sa Martes, Agosto 23 ng hapon.

Inaasahang mag-iipon pa muna ng lakas ang bagyo bago mag-landfall.

"Further intensification is likely prior to its landfall. There is a potential for slight weakening as FLORITA crosses the northern portion of Northern Luzon due to frictional effects of the rugged terrain, but the tropical cyclone will likely remain Tropical Storm throughout the passage over land," banggit ng weather bureau ng ahensya.

Inaasahang makaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union sa susunod na 24 oras.

Sa Martes, inaasahan na ang malakas na pag-ulan saCagayan, Isabela, Batanes, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region habang katamtaman namang pag-ulan sanorthern portion ng Aurora, Zambales, Bataan, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.