Nagbigay ng pagpupugay ang musical noontime show na "ASAP Natin 'To" para sa yumaong "La Primera Contravida" na si Cherie Gil, Agosto 21.

Inawit nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang ilan sa mga awiting tumatak sa mga iconic movies nito.

Kasama rin sa tribute ang kaibigan ni Cherie na si Megastar Sharon Cuneta, na emosyunal na inawit ang "Bituing Walang Ningning", na naging soundtrack ng kanilang iconic movie. Dito nagmula ang walang kamatayang linyahang "You're nothing, but a second rate, trying hard, copycat!"

Pagkatapos na pagkatapos kumanta ni Shawie ay agad siyang niyakap nang mahigpit nina Zsa Zsa at Regine.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Malalim umano ang kanilang samahan dahil mga bata pa lamang sila ay magkakilala na sila, bago pa man sumabak sa showbiz. Naging magkasama sila sa isang Glee Club sa paaralan kung saan si Cherie umano ang naging presidente.

Mahal na mahal daw niya si Cherie at hindi niya hahayaang mabura sa kasaysayan at makalimutan ng mga tao ang isang kagaya ni Cherie. Pakiramdam umano ng Megastar, kalahati ng kaniyang showbiz career ay nawala dahil sa paglisan ng kaniyang kaibigan. Naging malaki umano ang kontribusyon ni Cherie sa kung ano ang narating ng kaniyang showbiz career.

"Thank you for your contributions to the film industry," lumuluhang pasasalamat ni Shawie.

Nalaman daw niyang may sakit si Cherie dahil sa kapatid nitong aktor na si Michael De Mesa, nang i-welcome siya ng cast members ng "FPJ's Ang Probinsyano" sa ASAP.

Matatandaang bago pumanaw ang aktres ay nakausap at nakasama pa ito ng Megastar sa Amerika. Para na raw niyang kapamilya si Cherie kaya masakit para sa kaniya ang pagyao nito.

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/08/06/sharon-labis-ang-pamimighati-sa-pagkamatay-ni-cherie-i-will-love-you-with-all-my-heart-forever/">https://balita.net.ph/2022/08/06/sharon-labis-ang-pamimighati-sa-pagkamatay-ni-cherie-i-will-love-you-with-all-my-heart-forever/