Proud na flinex ng showbiz commentator na si Ogie Diaz sa bagong achievement ni Erin Diaz.

Nitong Sabado, ipinagmalaki ni Ogie ang senior high school graduation ni Erin sa Thames International.

Pagbabahagi ng showbiz personality, taong 2019 nang payagan niyang magpahinga sa pag-aaral ang kaniyang panganay dahil naging biktima ito ng bullying.

“Nung siya mismo ang nakaisip na gusto na niyang mag-aral uli, sabi ko, ‘O, usapan natin this time, ha? Pag huminto ka na naman, ibabawas ko sa savings mo ang ipinambayad ko ng tuition fee mo ha?’” ani Ogie na pinayagan naman ni Erin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anang ama, pinagbuti ng kaniyang panganay ang muling pagsabak sa eskwelahan. Tinapos ni Erin ang strand na Accountancy, Business and Management.

“Ngayon, kukuha siya ng Culinary Arts. Sabi ko, pagbutihin niya at ang expensive ng tuition fee, kalokah! Muntik akong mag-callboy kaso nakalimutan ko, hindi pala pwedeng mag-callboy kasi bading ako, hahaha!” hirit na biro ni Ogie.

Tanging hiling lang ni Ogie sa anak na pagbutihan nito ang pag-aaral lalo na sa kolehiyo.

“Wala naman kaming hangad ng mama mo kundi ang magandang future nyong magkakapatid.”

Sa huli, hindi na rin ibinawas ni Ogie ang tuition fee ni Erin sa savings nito.

“Love you, anak. Happy kami ng mama mo!” ani ama.