Naiintriga ngayon maging ang pagbabalik ni Heart Evangelista sa kaniyang painting habit na anang mga Marites ay pahiwatig daw na may pinagdadaanan ang fashion socialite.

Muling iflinex ni Heart ang kaniyang pagpipinta sa ilang serye ng Instagram update kamkailan.

Nitong Biyernes, isang Hermes luxury bag ang makikitang pinintahan ng Kapuso actress tampok ang kaniyang karaniwang imahe ng kababaihan sa mga painting.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Inamed her ‘Uniqua’ 🤍 expressing yourself can be very difficult at times … social media can paint a totally different image of a person. So let me paint and translate the language of my soul🤍 dearest Kelly Uniqua, you are a one and only ☁️#lovemariehandpaintedbags#hermeskelly28,” mababasa sa IG update ni Heart.

Parehong ikinamangha at ikinatuwa ng followers ng aktres ang tila pagbabalik-loob ni Heart sa kaniyang love of the art.

Basahin: Heart Evangelista, kumikita ng tumataginting na P200k-P6M sa kanyang painting – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, naintriga naman ng ilang Marites ang umano’y pinagdadaanan ng aktres dahilan ng pagpipinta nito.

Hinuha kasi nila, dagdag na pahiwatig daw ito sa chikang split na sina Heart at asawa nitong si Senador Chiz Escudero.

Ito rin ang napag-usapan sa isang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update nitong Linggo na anang hosts na sina Jegs, Mama Loi at Ogie ay espekulasyon nga ng marami ukol sa isyu ng hiwalayan ng celebrity couple.

Patuloy namang dinededma ni Heart ang mga intriga at nananatiling walang sey sa mga paratang ng netizens.

Nauna namang sinabi ng batikang showbiz commentator na si Manay Lolit Solis na hindi siya kumbinsido sa isyu.

Basahin: Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tanong naman ng marami ngayon, kailan kaya babasagin ng mag-asawa ang kanilang katahimikan ukol sa isyu?