Isa na marahil sa mga pinakamasuwerteng Korean drama fan si Kapamilya actress Lovi Poe na bumida sa Philippine adaptation ng “Flower of Evil” at ngayo’y napansin pa ng South Korean star na si Lee Joon-gi.

Kilala si Lovi bilang isa sa mga die-hard Pinay celebrity fan na nakikipagpilahan sa ilang naglalakihang Korean actors ng K-drama world.

Kaya naman, abot-abot na lang ang saya ng aktres ng mismong si Lee Joon-gi na ang nakapansin sa kanilan pangmalakasang Pinoy version ng 2020 hit crime drama.

Basahin: ‘Lee Joon-Gi,’ susubaybayan ang PH adaptation ng ‘Flower of Evil’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I cry as a fangirl,” sey ni Lovi sa pagpansin ng South Korean actor sa Pinoy remake sabay pagpapasalamat sa aktor.

Lovie Poe via Instagram

Nag-iwan din ng komento ang aktres sa mismong Instagram post ni Joon-gi.

“MY HEART ♥️♥️ You and the whole cast gave such a powerful performance that people all over the world wanted to make adaptations of the show! 👏🏼💯” ani Lovi.

Si Piolo Pascual ang katambal ni Lovi na ipinangtapat sa aktingan ni Joon-gi.

Mapapanuuod ang “Flower of Evil” PH sa Viu, at sa ilang Kapamilya TV at online channels.